dati kami dito sa Marikina kami sa bayan nagpapa Fnb kami pag may mga dayo na ibang punk,... Ang mga napasimula talaga nito ay mga vegans then ang purppose nila ay makapag serve di lang sa mahihirap pati narin sa ibang tao ng healthy food kaya karimihan ng sineserve nila ay tinapay,vegies, and other healty foods na may gulay. Ang pinaglalaban naman nito ay tungkol sa mga budget na nilalaan ng gobyerno para sa mga mamahaling armas at mga gamit na ginagamit sa guerra tulad ng mga bomba, Nuclear at mamahaling mga baril na sinasabi nila imbes na ginagamit ito para sa mga mas mahihirap eh nasasayang lang sa mga armas at nagkakagulo pa lalo ang mga bansa.
Tuwing may gantong program nangyayare ang mga sumusnod.......
Nagtitipon ang mga taong gustong sumasali karamihan dito lalo na sa atin dito sa Pinas ay mga punks ang mga sumasali....
Minsan ay no money involve ang mangyayare bale lahat ng mga kasangkapan at mga recado ay hindi bibilhin kungdi hihingin bilang donasyon ng mga tindahan sa palengke, bahay o sa mga kasama sa programa...... Kung magkakaroon naman ng donasyon ay dapat hindi pera kungdi pagkain o mga gamit at recado sa pagluluto.........
Kadalasan ng ipinapakain ng mga taga Fnb dito sa atin ay Goto, Tinapay at pansit.
Pagtapos naman ng programa minsan ay nagkakaroon ng film viewing, tugtugan o jamming...... Minsan naman ay protesta dahil karamihan ng mga taga Fnb ay mga Anarcho
yun lang po ang aking mga nalalaman tungkol at karanasan sa kilusan ng Fnb gusto ko lamang ito i share sa inyo.....